“ako ang dapat mapili sa survivor dahil cute ako!”

23 05 2008

“ako ang dapat mapili sa survivor dahil cute ako!”

yan ang una kong binigkas nang tanungin ako kung bakit dapat ako mapili na castaway sa survivor philippines sa 2nd screening ng audition sa sm north noong may 21, 2008.

totoong napakayabang ng dating ko nung mga panahong iyon. talagang ipinagduldulan ko sa pagmumukha ng mga judges ang lahat ng positive traits ko upang ako ay ipasa nila. and im glad that i did pass the 2nd screening. salamat sa yabang. :)

more or less ganito ang naging 30-second speech ko in response to the question. 30-second kasi inoorasan kaming lahat, dapat within 30 seconds lang ang haba ng sagot mo. ganito, sabi ko:

“ako ang dapat mapili sa survivor dahil cute ako!…hindi… kasi siyempre kailangang kaaya-aya yung mapapanood ng viewers para naman ganahan silang manood…matalino ako…nag-aral ako sa UP Diliman….engineer ako….hindi ako magiging tatanga-tanga, magiistrategize talaga ako..magiging very conniving ako…sa mga challenges gagawin ko ang lahat. kahit maputulan ako ng kamay at ngipin wala akong pakialam…hindi ako susuko unless talagang ikamamatay ko na…basta…ganun!”

8 lahat kami sa batch namin dun sa 2nd screening, tapos sabi isa lang daw ang magpapatuloy samin sa audition process. kinabahan ako. buti na lang at yung number ko ang sinambit.

tapos may pinapil-up sakin na pagkahabahabang form na maraming tanong. tapos bihigyan ako ng orange paper na nakalagay dun na pumunta raw ako sa next stage of the audition process sa may 25, 2008, sunday, sa GMA Channel 7. ayun na. masaya. kakaexcite.

eto yung mga larawan o.


Actions

Information

8 responses

21 06 2008
reihan paulo

wag mo kming kakalimutan pag sikat ka na =) go ariel! este arnel pla!!! ano nga ulit? tama ba spelling? hmmm… basta magaling sya! yehey!!!!! isama sa loop!!!!

22 06 2008
arnel ariate

tama. a-r-n-e-l nga ang spell. yehey!!! kaya ka pala nagtxt sakin kanina kasi nabasa motong blog ko. yehey!!! oo naman pao, magaling ako magswimming. nagswimming lessons ako noon at nagcompete pa nga ako sa swimming e. till now hobby ko magswim. pag cloudy at wkend nagswiswim ako. pao, manood ka ng ranchero sa cinemalaya ha. isama mo lahat ng nasa loop. yehey!!!

14 07 2008
lakwatsero

oh napili ka ba? hehe, salamat sa pagbisita sa blag ko, ahehehe! pag naging direktor ako ng indie kukunin kita pero walang bayad, hehe! asa! :D

15 07 2008
arnel ariate

hindi ako napili sa surbaboy.
i messed it up big time, dun sa 3rd screening sa GMA.
bakit naman walang bayad??
bastus! :)

15 07 2008
lakwatsero

hahaha, joke lan! pero sana me diskawnt! haha!

15 07 2008
arnel ariate

discount? ano yung discount? hindi ko alam yun.
nanood ako kanina ng 100 sa cinemalaya.
ang gandaaaaa!!!!!

mabuhay ang cinemalaya!! yahoooooo!!

15 07 2008
lakwatsero

haha, eniwei, di naman ako magiging doirektor, pangarapa lan yun! nanood din ako kanina ng 100? ahehe! asteg nga!

16 07 2008
arnel ariate

bakit hindi kita nakita?

Leave a comment